Mga Abogadong Bihasa sa mga Isyung Trabaho
sa Los Angeles, San Diego at Bakersfield California
Kung pinagiisipan o pinaghahandaan ninyong magsampa ng kaso laban sa inyong employer, mabuti nang mayroon kayong mga bihasang abogado sa inyong panig.
Ang Rastegar Law Group ay binubuo ng mga abogado na, sa kabuuan, ay may humigit-kumulang 100 taong karanasan sa pagtulong sa mga empleyado laban sa anumang pag-aabuso ng kanilang mga employer. Kung kami ang magrerepresenta sa inyo, makakaasa kayo na kaagapay ninyo ang ilan sa mga pinakamahusay na abogado sa Los Angeles at San Diego.
Naiintindihan ng aming mga abogado na ang batas tungkol sa trabaho ay hindi lang usapin na kung ano ang tama o mali kundi ito ay tungkol sa mga karapatan ng mga tao na aming ipinaglalaban, kung ano ang pinakamainam para sa kanila, sa kanilang mga pamilya, at sa kanilang hinaharap.
Kung naniniwala ka na nagkasala sa iyo ang iyong employer, makipag-ugnayan lamang sa mga abogado ng Rastegar Law Group para sa libre’t kompidensiyal na konsultasyon.
Mga Kaso sa Batas Pantrabaho sa California na Aming Matutulungan
Handang tulungan ng mga abogado ng Rastegar Law Group ang mga empleyadong nilabag ang karapatan ng mga employer.
Saklaw ng aming serbisyo ang mga isyu tulad ng pagdiskrimina sa trabaho, paglabag ng employer sa karapatang sibil, hindi pagbigay ng karampatang sahod sa mga kababaihan, pagdiskrimina sa buntis, sexual harassment sa trabaho, paghihiganti sa trabaho, alitan ukol sa sahod at oras, o hindi makatarungang pagtanggal sa trabaho.
Makakaasa kayo sa de-kalidad na serbisyo mula sa mga abogado ng Rastegar Law Group na bihasa at mahusay pagdating sa mga isyung nabanggit, kabilang ang:
- Mga abogado ng pagkapantay-pantay sa sahod sa California
- Mga abogado ng sahod at oras sa California
- Mga abogado ng sekswal na pang-aabuso sa California
- Mga abogado ng karapatang sibil sa Los Angeles, San Diego at sa buong California
- Mga abogado ng diskriminasyon sa Los Angeles, San Diego at sa buong California
- Mga abogado ng hindi wastong pagwawakas sa California
- Mga abogado ng diskriminasyon dahil sa pagbubuntis sa Los Angeles, San Diego at sa buong California
- Mga abogado ng paghihiganti sa California
- Mga abogado ng sekswal na panliligalig sa Los Angeles, San Diego at sa buong California
- Mga abogado ng manggagawa sa Los Angeles, San Diego at sa buong California
Kung kaya’t kung sa tingin ninyo ay nalabag ang inyong karapatan sa trabaho at/o ng inyong employer, handang handang tumulong ang mga abogado ng Rastegar Law Group sa Los Angeles at San Diego. Makipag-ugnayan lamang sa amin para sa libre’t kumpidensiyal na konsultasyon.
Anu-anong mga Batas ang Nangangalaga sa Karapatan ng mga Manggagagawa sa California?
Maraming mga batas, sa pederal at estadong antas, ang nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa. Mayroon ding mga batas federal na pumoprotekta sa karapatan ng lahat ng manggagawa sa buong bansa, kasama ang mga manggagawa sa California. Kabilang sa mga batas na ito ay ang:
- Age Discrimination in Employment Act (ADEA)
- Wage and hour laws
- Americans with Disabilities Act (ADA)
- Fair Labor Standards Act (FLSA)
- Family and Medical Leave Act (FMLA)
- National Labor Relations Act (NLRA)
- Occupational Safety and Health Act (OSHA)
- Title VII on workplace discrimination
- Pregnancy Discrimination Act (PDA)
- Whistleblower and retaliation laws
- Worker Adjustment and Retraining Notification Act (WARN)
Ang California ay nagpasa din ng sarili nitong mga batas upang makatulong sa higit pang pagprotekta sa mga empleyado. Ang ilang kilalang batas ng estado ng California tungkol sa proteksyon ng mga karapatan ng mga empleyado ay kinabibilangan ng California Fair Employment and Housing Act (FEHA) at California Family Rights Act (CFRA).
Ipinagbabawal ng California Fair Employment and Housing Act (FEHA) ang pagdiskrimina sa trabaho ayon sa lahi, kulay ng balat, relihiyon, nasyonalidad, kapansanan sa pag-iisip o kapansanang pisikal, katayuan kung kasal man o hindi, edad lalo na sa mga taong edad 40 pataas, pagbubuntis, o anumang kondisyong medikal.
Ipinagbabawal din ng FEHA ang paghihiganti laban sa kung sinumang maghahain ng reklamo o maglalantad ng paglabag sa patakaran ayon sa FEHA. Noong 1978, ipinatupad ang isang pagbabago sa batas na nag-aatas sa mga employer na pahintulutang magliban nang hanggang apat na buwan nang walang sahod ang mga empleyadong nagkaroon ng kapansanan dulot ng pagbubuntis. Kilala ang batas na ito bilang “pregnancy disability leave”.
Pinahihintulutan naman ng California Family Rights Act (CFRA) ang pagliban ng mga empleyado nang hanggang 12 na lingo nang may sahod o 12 na buwan nang walang sahod. Sa loob ng kanilang pagliban, dapat makatanggap ang mga empleyado ng mga benepisyong pangkalusugan na matatanggap nila kung sila ay nagtrabaho. Maari ring gamitin ng mga empleyado ang pagliban na ito para sa kapanganakan ng kanilang anak, pag-ampon ng anak, pag-aruga sa kapamilyang may malubhang sakit, o kung ang mga empleyado mismo ay may malubhang sakit.
Sa kabuuan, masasabi na inaalagaan ng estado ng California ang karapatan ng mga manggagawa. Subalit, hindi ibig sabihin nito na lahat ng mga employer ay sumusunod sa batas. Sa tuwing nalalabag ang mga karapatan ng mga empleyado ng kanilang mga employer, handang tumulong ang Rastegar Law Group. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para sa libre’t kumpidensiyal na ebalwasyon sa inyong kaso.
Paano Pumili ng Mahusay na Abogado?
Tila nakakatakot pumili ng abogado lalong lalo na kung ito ang unang beses ninyong kumuha ng serbisyo ng abogado. Kung kaya naman itinala na namin ang ilan sa dapat ninyong isaalang-alang kung kayo ay naghahanap ng abogadong bihasa sa batas pantrabaho sa San Diego o Los Angeles:
- Siguraduhin na ang abogado o law firm ay nakatuon lamang sa batas pantrabaho. Ang employment law o batas pantrabaho ay isang katatangi-tanging larangan ng batas lalo na sa malalaking siyudad tulad ng San Diego at Los Angeles. Ang iyong abogado ay hindi magiging bihasa sa larangang ito kung hindi sila nakatuon dito. Walang katiyakan sa magiging resulta ng inyong kaso kung ang inyong abogado ay hindi bihasa sa larangang ito. Kung kaya’t inaabisuhan namin kayo na iwasan ang mga abogado na samu’t sari ang karanasan o kasanayan tulad ng personal injury o family law. Mainam na humingi ng legal na representasyon o tulong mula sa eksperto o dalubhasa sa isang larangan sa halip na sa isang abogado na iba’t iba ang pinagtutuonan.
- Saklaw ng isang mahusay na abogado o law firm na bihasa sa batas pantrabaho ang mga isyu tulad ng pagdiskrimina sa trabaho, paglabag ng employer sa karapatang sibil, hindi pagbigay ng karampatang sahod sa mga kababaihan, pagdiskrimina sa buntis, sexual harassment sa trabaho, paghihiganti sa trabaho, alitan ukol sa sahod at oras, o hindi makatarungang pagtanggal sa trabaho.
- Pumili ng abogado o law firm na bihasa’t mahaba na ang karanasan sa paglutas ng mga isyu tungkol sa batas pantrabaho. Mahabang panahon ang kailangang gugulin para maging dalubhasa sa batas pantrabaho. Kung kaya’t dapat ninyong iwasan ang mga abogadong kakatapos lang mag-aral o baguhan pa sa larangan. Ang Rastegar Law Group sa San Diego at Los Angeles ay binubuo ng mga abogado na, sa kabuuan, ay may humigit-kumulang 100 taong karanasan sa pagtulong sa mga empleyado laban sa anumang pag-aabuso ng kanilang mga employer.
- Pumili ng abogado o law firm sa San Diego o Los Angeles na kilalang matagumpay sa larangan. Suriin ang kanilang katayuan at kasaysayan sa Google at Yelp, pati narin sa mga legal directory website tulad ng Super Lawyers, at Avvo. Nakasaad sa profile page ng mga abogado ang kanilang bar associations at anumang samahan o kapisanan na kanilang kinabibilangan tulad ng California Lawyers Association (CLA).
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpili ng abogado, bisitahin o puntahan ang sangguniang inihanda ng California State Bar: Paghahanap ng Tamang Abogado.
Mga Abogado sa Pagtatrabaho sa San Diego, Los Angeles at Bakersfield
Kung kayo ay nangangailangan ng abogado para sa inyong problema sa trabaho, makipag-ugnayan sa Rastegar Law Group ngayon para sa libre’t kompidensiyal na konsultasyon. Ang aming serbisyo ay “contingency basis” kung saan hindi ninyo kinakailangan magbayad kaagad upang kayo’y aming tulungan. Makipag-ugnayan lamang sa amin o tumawag sa (310) 961-9600.
Magpaiskedyul ng Libreng Konsultasyon Ngayon!
Kung kayo ay nangangailangan ng abogado para sa inyong problema sa trabaho, makipag-ugnayan sa amin ngayon para sa libre’t kompidensiyal na konsultasyon. Ang aming serbisyo ay “contingency basis”, ibig sabihin kukuha lamang kami ng porsiyento mula sa inyong mababawi kung naging matagumpay ang inyong kaso.
Maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng pagpuno sa form sa ibaba, o tumawag sa (888) 961-LAW1.